About VHILLE

Hello KABAYAN,

I'm  VILLAMOR B. DANAO JR. , you can call me VHILLE :)  Share ko sa'yo yung background ko. Isa akong Freelance Interior Designer. Lumaki at pinanganak ako sa TUGUEGARAO CITY  sa Cagayan Valley. Ako ang pang-apat sa sampung magkakapatid. Ang fater ko ay isang empleyado at aking mother ay Housewife. Ako po ay sanay sa hirap dahil simula pagkabata ko ay tama  lang yung kinikita ng aking tatay kaya minsan kinukulang. May time na halos mabaon kami sa utang dahil sabay sabay kming nag aaral magkakapatid at lahat private school. Kaya nung time na nag high school ako, nag decide akong mag public school nalang dahil nakikita ko ang mukha ng mga magulang ko na nahihirapan silang paraalin kming sampung magkakapatid. Nag iisip ako ng pwede kong maitulong pero bata pa ako noon kaya wala akong maisip. Naisip ko rin tumigil na rin sa pag aaral pero di pumayag ang aking tatay at talagang gumawa siya ng paraan para maibigay niya lahat ng aming mga pangangailangan.

Ganun pala maging magulang. Gagawin nilang lahat para sa kanilang mga anak. Kaya nararamdaman ko ang mga sakripisyo ng mga Kababayan nating OFW na handang lumayo para matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.,

Sabi sakin ng tatay ko na mag aral daw akong mabuti para makakuha ng magandang grado at pagka graduate ko maraming kukuha sakin na Company para i-Hire ng sa ganun ay  yumaman at makuha ang mga pangarap ko sa buhay. Kaya pag sinasabi niya saakin un laging nakatatak na dapat makakuha ako ng magandang grado. Kaso ang problema ko ay hindi ako magaling sa klase. Halos lahat ng grado ko ay puro palakol. Hindi ko alam kung may pag asa nga ba talga ako umasenso sa buhay. Kaya iniisip ko lagi ang future ko. Kung meron bang trabaho na babagay sakin kaya pagka tung tong ko ng college inisip ko talga ang gusto ko.

 After kong mag graduate ng College. Isa rin ako sa mga kagaya ng iba na sobrang nahirapan na maghanap ng trabaho sa lugar namin kaya nag decide akong pumunta ng may nila para makipag sapalaran para hanapin ang aking kapalaran. Isa rin ako sa mga sumasakay sa jeep, umaangkas sa tricycle at nakikipagsiksikan at pumipila sa LRT. Mahirap palang tumira sa Maynila. Sobrang gastos at bawat galaw mo ay kelangan ng pera. Hindi Tulad sa Probinsiya na makakatipid ka. Kaya nagdecide akong Bumalik sa probinsiya namin kahit ako ay may trabaho na.

Halos dalawang buwan din akong nabakante. Nag-iisip ng pagkakakitaan at paraan para makatulong dahil ayaw kong maging pabigat sa aking pamilya. Kaya nag decide akong mag negosyo. Marami akong nasubukan na business. Nag Invest ako sa isang franchising na ang product ay TEA. Naranasan ko rin maging rotero  at mag alok alok ng mga ibat ibang produkto sa mga tindahan kahit mainit at umuulan ay wala akong choice. Naranasan ko rin magnegosyo ng isang ICE Cream ang produkto at ialok  ito sa mga skuls para ibenta sa bawat mga canteen. Naranasan ko rin magbenta benta ng produkto ng mga pam paputi at marami pa. Halos lahat failed ako. Sobrang nalugi ako at ang laki ng nawala sakin.  Pero di ako bumigay sa mga pagsubok sakin. Kasi lagi kong iniisip yung tatay ko. Kung ikukumpara ko ang mga naging sakripisyo ko sa sakripisyo niya ay walang wala lang lahat ng ito.

Isang araw nag open ako ng FACEBOOK at meron akong isang nakitang post ng friend ko at  about sa AIM GLOBAL at ang sabi sa post sa facebook ay  "Gusto mo bang kumita ng malaki pero maliit lang ang Capital at minsan lang maglalabas ng puhunan gamit lang ang Facebook?" Napaisip ako kung meron bang ganun na klase ng negosyo kaya ginawa ko pinuntahan ko yung friend ko at inaalam  ko. Kasi sa experience ko mag traditional business ay kelangan mo maglabas  ng malaki para kumita rin ng malaki at kelangan mong maglabas ulit ng pera para mapaikot yung business ng sa ganon  ay para lumago. Kaya iniisip ko kung  meron bang business na pagka invest mo ay di kana maglalabas ulit at puru net income na ang kikitain mo?


Nung time na napaliwanag saakin ang negosyo ay sobrang na-amaze ako at punung puno ng panghihinayang. Dapat noon ko pa nakita ito. Pero to tell you honestly  hindi rin ako nag join kaagad. Kasi wala akong Pera para makapag invest dahil walang wala ako that time at medyo nagdududa rin ako. Normal lang naman ang magduda kaya ginawa ko inalam ko muna mabuti ang about sa Company, sa Product at mga legalities nito para mawala lahat ng duda at takot ko. Sobrang naConvince mula ng malaman ko lahat ng informations at mga yumaman at naging successful sa aim global kaya gumawa na ako ng action para makapag join sa AIM GLOBAL after 1 month.

Nung nagsisimula ako sa AIM GLOBAL ay  ginawa ko as part time using Facebook kasabay ng profession ko as freelace Designer. Di naging madali sakin nun una kasi di ko pa kabisado ang business. Sabi sakin ng Mentor ko na normal lang lahat ng iyon. Wala naman pinanganak na magaling kaagad. Wala naman naging magaling mag bisikleta kaagad. Lahat nagsimula sa pagiging beginner. Kaya ang ginawa ko ay inaral ko ung business at sinunod ang SISTEMA ng Aim Global hanggang sa nakuha ko yung tamang strategy.

Noong time na lumaki na ang INCOME ko sa AIM GLOBAL kumpara sa Profession ko ay nagdecide na akong tumigil at Gawin ko ng full time ang Aim Global. Sobrang pasasalamat ko dahil meron parang opportunity na pwedeng ikabago ng buhay mo kahit di kana lumabas ng ating bansa. Ngaun ay kumikita na ako ng di bumababa sa P50,000 every month sa AIM Global at my time na umabot ako ng almost P80,000 sa isang Buwan. Sa 2 years ko ng ginagawa ang Business. Hayaan mo akong i-SHARE sayo ang mga ilan sa mga naging Achievements ko. Isa ako
SPEAKER'S BUREAU sa Tuguegarao City at Na-awardan po ako sa buong Cagayan Valley ng TOP 3 Income Earner. Ako din po ang pinakamentor sa Online Division ng Team ACES International at na-HIT ko na rin ang 2nd na Pinaka Highest Position ng AIM GLOBAL which is GOLD EXECUTIVE.

Sobrang saya ko dahil natutulungan ko na ang family ko. Marami na rin akong natulungan na mga kababayan natin na OFW at maging Partners ko ay sobrang thankful dahil sa mga naishare ko.
Ngayon ay natutulungan ko na ang mga mas nakakabata kong kapatid sa mga pag aaral nila, gastos sa bahay at naipapasyal ko na rin ang family ko sa ibat ibang lugar. Napakasarap palang makita ang mga ngiti ng mga kapatid mo lalong lalon na ang mga magulang ko. Kaya gustong gusto ko silang makitang masaya dahil di lang doble at triple ng nararamdaman ko saya sa tuwing nkikita ko silang tumatawa at ngumingiti.

Kaya mas nangarap ako lalo at  mas mag sikap pa at mas maging successful para mas maabot ko lahat ng mga pangarap ko para sa pamilya ko.  Gusto ko rin na mas makatulong pa sa ating mga kababayang OFW para magkaroon ng other source of income  at pag dating ng araw na kumikita na ng malaki ay mag for good na rin dito sa Pilipinas para makasama ang mga mahal mo sa buhay. Di pa huli para mangarap kabayan. Kung mangangarap ka ng malaki wala naman bayad. Kung mangangarap ka ng maliit wala rin naman bayad. Kaya kung mangangarap ka wag mong titipirin dahil libre lang ang mangarap.

Pwedeng maging maliit lang ang tingin nito para sa iba at marami rin naman magsasabi normal lang ito sa iba. Pero para sakin napakalaki ng impact nito sa buhay ko. Ang Blessings naman ay walang malaki at maliit. Depende ito kung paano natin iaappreciate ang bawat blessings na ibibigay saatin. Kahit saobrang laki ng kinikita mo kung di mo naappreciate. Kahit naman maliit ang income mo kung sobrang happy ka at thankful ka sa bawat narereceive mong blessings.

  Alam mo kabayan?  Para sa akin ang pinaka malaking nareceive kong blessings na di kayang bayaran  ng pera ay "TIME".
TIME na oras sa  mga mahal mo sabuhay. Di kayang ibalik ng pera ang oras na mga lumipas na. Di kayang ibalik ng pera ang mga panahon na may mga mahahalagang event  ang mga mahal mo sa buhay na dapat andoon ka. Di kayang bayaran ng pera ang mga oras  na ibalik ang mga oras na di mo nakikita ang mga anak mo na lumalaki na. Di mababayaran ng pera ang mga oras na ibalik  na ang mga ilan sa  mahal mo sa buhay  tulad ni nanay at tatay na nakaburol dahil pumanaw na. Di mababayaran ng pera ang oras sa tuwing nadadapa, nasusugatan at umiiyak ang anak mo na di mo man lang mayakap at mapatahan dahil nasa abroad ka. Di kayang bayaran ng pera na ang mga oras na nasayang dahil nasa malayo ka. Kabayan alam kong nakakarelate ka. Minsan mahirap satin na sa picture at video call mo nalang nkikitang lumaki ang mga anak mo. Meron pang time na minsan halos di ka kinikilala ng mga anak mo na magulang pagkagaling abroad kasi ang tagal mong nawala at di na subaybayan ang paglaki nila.
  Ganun kalaga ang oras. Napaka Precious ng "TIME" para saakin. Ang oras ay hindi mo na pwedeng ibalik. Minsan lang tayong mabuhay mundo. Huwag mong hayaan na habang buhay nasa malayo ka at nauubos ang panahon at oras mo na dapat kasama mo ang pamilya mo. Kung kaya mong gumawa ng mga paraan para kumita ng malapit sa knila pwede mo 
yun  gawin. Huwag mong hayaan na matulad ka kwento ng ibang kababayan ntin. Kung may mga naranasan kang hindi maganda, hindi pa huli lahat kabayan.,. Lagi mong tandaan na meron laging pag asa. Napaka halaga ng oras kabayan kaya gustong gusto  ka naming tulungan para bigyan ng bagong magandang bukas at pag asa para ma-achieve mo rin ang time at financial freedom para sa mahal mo sa buhay. Salamat at nabasa mo and short Success Story ko. Sana na-inspire kita habang binabasa mo ito.  I pray for your success. I pray for the security of your family. I pray for your dreams and I pray for your Financial freedom. Gob Bless! Thank you.